Pamangkin ni Nida Blanca, biktima ng carnap gang
December 18, 2001 | 12:00am
Kasabay ng paggunita sa ika-40 araw ng kamatayan ng premyadong aktres na si Nida Blanca, nabiktima ng pinaghihinalaang big-time carnapping syndicate ang pamangkin nito matapos na manakaw ang sasakyan, kamakalawa ng gabi sa Quezon City.
Batay sa report na natanggap ni PNP-Traffic Management Group (PNP-TMG) Chief, P/Director Renato Paredes sa Camp Crame, kinilala ang pamangkin ni Blanca na biktima ng carnap na si Evangeline Giorgetti, 41, may-asawa at residente ng Muntinlupa City.
Ayon sa mga imbestigador, nagtungo ang biktima sa Christ the King Church sa Green Meadows Subd. sa Ugong Norte, Quezon City malapit sa tahanan ng pinaslang na aktres, kamakalawa ng gabi at ipinarada nito ang kanyang kulay pulang Nissan Terrano, may plakang WGC-228 sa kahabaan ng daan.
Bandang alas-6:30 ng gabi ay napansin na ng biktima na nawawala ang kanyang sasakyan kung saan umabot umano hanggang alas-10 ng gabi ay hindi pa rin niya ito natagpuan sa buong bisinidad ng lugar.
Inihayag ni Giorgetti na kasalukuyan siyang abala sa pag-eestima sa mga bisita na parehas niyang makikipagdasal para sa ika-40 araw ng kamatayan ng nasirang aktres sa Christ the King Church sa naturang subdivision kung kaya hindi niya napansin ang tumangay sa kanyang sasakyan.
Naniniwala ang biktima na nasalisihan siya ng isang grupo ng carnap gang na nagsamantalang sumalakay habang ginagawa ang misa. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended