Kasabay nito nagbabala ang may 3,500 kasapi ng PALEA at Manila International Air Service Corporation (MIASCOR) na kanilang hahadlangan at babarikadahan ang lansangan upang ipahayag ang kanilang kilos protesta laban sa PIATCO at mapigil ang pagbubukas ng NAIA 3 na labis na pipinsala sa industriya ng mga manggagawa sa paliparan.
" Naibsan ang aming alalahanin sa ipinakitang concern ni Representative Baterina at ang pagbibigay sa amin ng pag-asa ni Akbayan Rep. Etta Rosales sa ginanap na regular plenary session sa House labor committee," ani Oredina.
Ayon naman kay Demothenes Agas, Jr., pangulo ng MIASCOR, labis silang nababahala sa ginagawang monopolyo ng PIATCO na magbubunga ng pagkakatanggal sa trabaho ng 4,000 manggagawa ng NAIA Terminal at 2.
Dapat umanong isama sila ng PIATCO sa pakikipag-ugnayan sa pamahalaan para sa pagbubukas ng kontrata sa pagtatayo ng NAIA Terminal 3. Ang MIASCOR ay isa sa pinakamalaking ground handling service sa buong Asya at sertipikado ng International Standardization Organization (ISO-9002) subalit binalewala umano sila para makakasama sa kontrata.
Labis naman ang pangamba ng PALEA na mawalan sila ng trabaho sakaling mapasakamay ng PIATCO ang pangangasiwa ng Terminal 3 at tiyak na maapektuhan ang mga manggagawa partikular ang mga nagtatrabaho sa cargo, catering at iba pang sister companies na nasa NAIA 2 at 3.
Hiniling ng PALEA kay DOTC Secretary Alvarez ay hindi nakatutulong sa interes ng Pilipinas at sa halip ay pumapabor umano ito sa airlines Singapore at South Korea.