^

Metro

Kotse umiwas sa mabilis na bus, sumirko 1 patay, 2 kritikal

-
Isang Indian national ang nasawi makaraang magsirko ng ilang ulit ang minamanehong sasakyan nang tangkain nitong umiwas sa isang rumaragasang pampasaherong bus na nagresulta rin ng malubhang pagkakasugat ng dalawa pa kabilang na ang isang opisyal ng Nestle Philippines kahapon ng madaling arawsa Quezon City.

Namatay noon din ang biktimang si Harjider Singh,59, residente ng 51 Dollar St., Capitol Site bunga ng pagkakaipit nito sa loob ng minamanehong Suzuki Vitara na may plakang UAP.

Nasa malubhang kalagayan naman ang dalawa pang biktima na kinilalang sina JoseMari Mendoza,49,Sales manager ng Nestle Phil. at residente ng 12 Barangay Mapayapa, Holy Spirit ,Quezon City at May Gida Abantes,17 anyos at kasama ni Singh sa kotse.

Sinabi ni P)# Edgardo Talacay ng Traffic Sector 5 na dakong ala 1:45 nang maganap ang aksidente sa kahabaan ng Commonwealth Ave., Quezon City.

Lumilitaw na isang rumaragasang pampasaherong bus na may body name na Delta Bus (PKB 820) at bumabaybay sa direksyon ng Philcoa ang bigla na lamang sumalpok sa kotse ng biktima.

Sa lakas ng pagkakabangga ng bus sa kotse ng biktima ay sumirko ito ng ilang ulit na bumangga rin sa minamanehong Nissan Cefiro na may plakang WAC 902 ni Mendoza.

Kinailangan pa ng tulong ng ilang mga natrapik na commuters upang mailabas ang mga biktima sa kani-kanilang mgasasakyan at madala sa pagamutan.

Samantala ay patuloy namang tinutugis ng mga operatiba ng Central Police District ang driver ng kaskaserong bus na kaagad na tumakas makaraan ang insidente.

Ang driver ay nakilalang si Allen Duero. (Ulat ni Jhay Mejias)

ALLEN DUERO

BARANGAY MAPAYAPA

CAPITOL SITE

CENTRAL POLICE DISTRICT

COMMONWEALTH AVE

DELTA BUS

DOLLAR ST.

EDGARDO TALACAY

HARJIDER SINGH

QUEZON CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with