3 nagsimbang gabi naatrasan ng 10 wheeler
December 17, 2001 | 12:00am
Kritikal ngayon ang isang 14 anyos na estudyante habang nagalusan lang ang kapatid at kaibigan nito makaraang maatrasan ng isang 10 wheeler truck habang papauwi mula sa pagdalo ng Misa de Gallo kahapon ng Madaling araw sa Baeza, Caloocan City.
Binigyan ng kakaunting pag-asa ng mga dumalong doktor sa Manila Central University ang biktimang si April Rose Bautista habang ligtas naman sa tiyak na kamatayan ang kapatid nitong si Euroya 16 at ang kaibigan nitong si Rommel Abellardo ,6 pawang mga residente ng East Libis, Baesa, Quezon City.
Sa ulat ni PO3 Rodelio Asuncion dakong alas-4:30 ng madaling araw nang maganap ang insidente habang binabagtas ng mga biktima ang kahabaan ng Sta. Quiteria Road, Caloocan City pauwi ng kanilang bahay buhat sa pagsi-Simbang Gabi.
Pinaniniwalaang abalang-abala ang mga biktima sa pagkwekwentuhan habang naglalakad kung kayat hindi napansin ng mga ito ang papaatras na 10 wheelercargo truck na minamaneho ng suspect na kinilalang si Jeffry Galanto,36 anyos at resident driver ng Montana Trucking sa Area 2, Sta. Quiteria, Caloocan.
Nabatid pa na wala ring kamalay-malay ang suspect na may mga nagdaraan sa likurang nang tangka nitong ipasok sa garahe ang minamanehong cargo truck na may plakang PWU 989.
Nabigla na lamang ang suspect nang marinig nito ang malakas na palahaw ng mga biktima at kaagad na naapakan ang break.
Agad namang sumuko ang suspect sa Northern Police District habang hinihintay ang kasong isasampa laban dito. (Ulat ni Rose Tamayo.)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
January 10, 2025 - 12:00am