2 miyembro ng Akyat-bahay huli sa akto sa dormitoryo
December 16, 2001 | 12:00am
Naaresto ng pulisya ang dalawang miyembro ng Akyat-bahay gang nang tangkain ng mga ito na pagnakawan ang isang dormitoryo kahapon ng madaling-araw sa Valenzuela City.
Kasalukuyang nakapiit sa Valenzuela police station sina Rogelio Castro, 29, at Reynaldo Soriano, kapwa residente ng 2616 Jose Abad Santos, Manila.
Ayon sa pulisya, dakong alas-12:30 ng madaling-araw nang maaresto ang mga suspeksa kahabaan ng McArthur Highway, Malinta habang sakay ng isang owner-type jeep na may plakang DHE-977.
Bago ang pag-aresto sa mga suspek ay isang tawag mula sa telepono ang tinanggap ng pulisya mula sa may-ari ng dormitoryo na si Theresa Manabat hinggil sa tangkang pagnanakaw ng mga suspek sa kanyang dormitoryo na matatagpuan sa Villa Theresa Subd., Marulas.
Ayon kay Manabat, nakita nito ang dalawa sa ikatlong palapag ng nasabing gusali na may kahina-hinalang kilos kung saan ay puwersahang binuksan din ang isang kuwarto ng mga estudyante.
Nabulabog ang dalawa nang makita si Manabat kung saan ay agad na sumakay sa nasabing jeep at tumakas habang mabilis na humingi ng tulong ang huli sa pulisya na agad namang nagsagawa ng checkpoint na nagresulta sa pagkakaaresto sa dalawa.
Napag-alaman na matagal nang nagpahayag ng takot ang mga estudyante na nag-aaral sa Fatima University na nakatira sa dormitoryo dahil sa sunud-sunod na pagkawala ng kanilang mga gamit. (Ulat ni Gemma Amargo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended