Manager ng banko pumalag sa holdap, sinaksak, kritikal
December 15, 2001 | 12:00am
Nasa kritikal na kondisyon ngayon sa pagamutan ang isang manager ng Equitable Bank, makaraang saksakin ng isang holdaper nang tumanggi itong ibigay ang kanyang pera at cellphone.
Ang biktima na ginagamot ngayon sa Phil. Gen. Hospital ay nakilalang si Camile de Guzman, 30, manager sa nabanggit na banko at residente ng Villa Carolina Subdivision, Muntinlupa City.
Base sa ulat ng pulisya naganap ang insidente dakong alas-7:30 ng umaga kahapon sa kanto ng Ma. Orosa at Kalaw sa Ermita.
Galing ang biktima sa isang food chain nang lapitan siya ng nag-iisang holdaper at saka tinutukan ng patalim at doon inihayag ang holdap.
Sinabi ng ilang testigo, na nakita nilang tumanggi ang biktima na ibigay sa holdaper ang kanyang pera at cellphone kaya sinaksak ito sa tiyan.
Mabilis namang tumakas ang suspect matapos ang isinagawang pananaksak sa biktima. (Ulat ni Ellen Fernando)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended