^

Metro

Mark Anthony Fernandez inakusahan ng sexual harassment

-
Isang 24-anyos na medical representative ang nagtungo sa pulisya upang akusahan ang batang aktor na si Mark Anthony Fernandez matapos umanong ipahipo sa kanya ang ari nito, kahapon ng madaling-araw sa isang bar sa Makati City.

Kinilala ang complainant na si Ana Asido, dalaga, nakatira sa #21 Pine Tree St., Pineville Lawa, Meycauayan, Bulacan.

Ayon sa reklamo ni Asido sa Makati City Complaint Desk naganap ang insidente dakong alas-12 kahapon ng tanghali sa De Tour Sports Bar na matatagpuan sa Jupiter St., Brgy. Bel-Air ng lungsod na ito.

Nabatid na habang si Asido ay nasa loob ng nasabing lugar, lumapit sa kanya ang aktor.

Sapilitan umanong kinuha ni Fernandez ang kanyang kamay at inilagay sa ari nito.

Matapos umanong gawin ni Fernandez ang nasabing insidente, kaagad itong nawala kaya’t mabilis na nagtungo ang dalaga sa pulisya upang ireklamo ang ginawa nito sa kanya.

Hindi naman nakunan ng pahayag ang aktor ukol dito. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

ANA ASIDO

ASIDO

DE TOUR SPORTS BAR

FERNANDEZ

JUPITER ST.

LORDETH BONILLA

MAKATI CITY

MAKATI CITY COMPLAINT DESK

MARK ANTHONY FERNANDEZ

PINE TREE ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with