Chinese drug trafficker tiko sa P3-M shabu
December 13, 2001 | 12:00am
Isang pinaghihinalaang Chinese bigtime drug trafficker ang inaresto ng mga operatiba ng PNP-Narcotics Group (PNP-Nargroup) makaraang masamsaman ng may P3 milyong halaga ng shabu sa isinagawang drug bust operation sa San Juan, Metro Manila.
Kinilala ni PNP-Nargroup chief, Director Efren Fernandez ang nadakip na suspect na si Cheng Yow Chen Ho, alyas Chong, 24, ng 402 Amberland Plaza, Jade Drive, Pasay City.
Ang suspect ay bumagsak sa kamay ng operatiba matapos ang isinagawang operasyon sa harap ng isang condominium sa San Juan. Nakumpiska dito ang shabu na tumitimbang ng may 1.55 kilos.
Sa isinagawang interogasyon sa suspect, binanggit nito ang isang nagngangalang Andy Co na umanoy supplier niya ng shabu.
Agad namang nagsagawa ng follow-up operation ang pulisya at sinalakay ang bahay ni Co sa Greenhills.
Nakuha sa bahay nito ang may 763.58 gramo ng shabu na nakalagay sa isang supot at sa isa pang supot ay may 274.24 gramo ng ipinagbabawal na gamot.
Inihahanda na ng pulisya ang paghaharap ng kaso laban sa suspect. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 2, 2024 - 12:00am