Sa ipinalabas na memorandum ni NAPOLCOM Vice-chairman at Executive Officer Rogelio Pureza, nakasaad dito na magiging ilegal ang anumang ipapatupad na kautusan ng Philippine National Police (PNP) tulad ng pagtanggap ng mga aplikante para maging pulis kung hindi dadaan at hindi aaprubahan ng komisyon.
Nabatid na noong Disyembre 1 ng taong kasalukuyan, sumumpa sa National Capital Regional Police Office (NCRPO) ang 920 aplikante para maging pulis.
Subalit sa naging ulat ng NAPOLCOM hindi dumaan sa kanilang tanggapan ang naganap na panunumpa kayat ito ay maituturing na ilegal at balewala. (Ulat ni Lordeth Bonilla)