^

Metro

Panunumpa ng may 920 aplikante para maging pulis ilegal -- NAPOLCOM

-
Ilegal ang pagpasok sa Pambansang Pulisya at balewala ang ginawang panunumpa ng may 920 aplikante para maging pulis matapos umanong hindi abisuhan ang National Police Commission (NAPOLCOM).

Sa ipinalabas na memorandum ni NAPOLCOM Vice-chairman at Executive Officer Rogelio Pureza, nakasaad dito na magiging ilegal ang anumang ipapatupad na kautusan ng Philippine National Police (PNP) tulad ng pagtanggap ng mga aplikante para maging pulis kung hindi dadaan at hindi aaprubahan ng komisyon.

Nabatid na noong Disyembre 1 ng taong kasalukuyan, sumumpa sa National Capital Regional Police Office (NCRPO) ang 920 aplikante para maging pulis.

Subalit sa naging ulat ng NAPOLCOM hindi dumaan sa kanilang tanggapan ang naganap na panunumpa kaya’t ito ay maituturing na ilegal at balewala. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

DISYEMBRE

EXECUTIVE OFFICER ROGELIO PUREZA

ILEGAL

LORDETH BONILLA

NABATID

NATIONAL CAPITAL REGIONAL POLICE OFFICE

NATIONAL POLICE COMMISSION

PAMBANSANG PULISYA

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

SUBALIT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with