Isa pang OFW nabiyayaan ng 'Pamaskong Handog'
December 12, 2001 | 12:00am
Masaya ang magiging Pasko ng isang overseas Filipino worker dahil bukod sa makakapiling niya ang kanyang pamilya ay nanalo pa siya ng cash prize handog ng Overseas Workers Welfare Administration bilang bahagi ng tradisyonal na "Pamaskong Handog sa mga OFWs".
Si Julius Elejonde, 36, ng Davao del Norte, nakatira sa Angono, Rizal ay dumating kahapon sa NAIA sakay ng Aseana Airlines galing Saipan.
Naglalakad si Elejonde patungong Customs lane sa arrival area ng NAIA nang tawagin siya at sabihang magtungo sa OWWA counter.
Bagamat walang ideya kung bakit tinawag, dagli siyang nagtungo sa OWWA counter at nasorpresa siya nang batiin ni Administrator Wilhelm Soriano at sinabing nanalo siya ng P10,000.
Tuwang-tuwa at hindi makapaniwala si Elejonde nang iabot sa kanya ni Soriano ang tseke at tuwang-tuwa rin ang kanyang mga kasamahan.
Sinabi ni Elejonde na masayang-masaya siya sa kanyang napanalunan at naging memorable pa dahil ito ang kanyang unang bakasyon pagkatapos ng isang taong pagtatrabaho sa Saipan bilang machine operator. (Ulat ni Butch Quejada)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended