Big-time pusher na nagsu-supply ng shabu sa mga preso naaresto
December 11, 2001 | 12:00am
Isang big-time pusher na nagsu-supply ng droga sa ilang bilanggo sa New Bilibid Prison (NBP) ang nahulog sa kamay ng pulisya at nakumpiska dito ang may kalahating kilo ng shabu na nagkakahalaga ng isang milyon sa isinagawang buy-bust operation sa Muntinlupa, kamakailan.
Kinilala ni Chief Supt. Jose "Sonny" Gutierrez, director ng Southern Police District (SPD) ang nadakip na suspect na si Morsio Samama, alyas Datu Boka, ng Albatross St.,Pacita II, San Pedro, Laguna.
Binanggit pa ng pulisya na bago pa man madakip ang suspect ay isang buwan nila itong isinailalim sa surveillance operation makaraang makatanggap ng impormasyon mula sa kanilang asset na si Samama ang siyang nagsu-supply ng ipinagbabawal na gamot sa mga bilanggo sa NBP.
Isinagawa ang buy-bust operation sa bahay ni Samama sa Purok 4 Ext.,, Brgy. Alabang, Muntinlupa City. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest