Utos ng QC Judge sa PNP-CIDG: "Ilabas ninyo ngayon si Mike Martinez"
December 11, 2001 | 12:00am
Nagpalabas ng kautusan kahapon ang Quezon City Regional Trial Court (QC-RTC) upang ilutang at dalhin ngayon sa korte ng pamunuan ng Philippine National Police (PNP) ang nawawalang negosyante na si Mike Martinez na sinasabing vital links sa kasong pagpaslang sa premyadong aktres na si Nida Blanca.
Sa ipinalabas na kautusan ni QC-RTC Judge Percival Lopez ng branch 78, iniutos nito sa PNP-Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) na ilutang si Martinez ngayong alas-2 ng hapon.
Kumbinsido umano si Judge Lopez na may nalalaman ang PNP sa kinaroroonan ni Martinez base na rin sa mga pagbubulgar na ginawa ni Philip Medel na nauna nang umamin na siyang pumaslang sa aktres na nakaharap niya si Martinez sa loob mismo ng Camp Crame nang araw na mawala ito noong Nobyembre 19 sa Sun Valley Subd. sa Parañaque City.
Ang hakbang ay ginawa ng korte kaugnay na rin sa petition for habeas corpus na isinampa ni Estelita Martinez, asawa ng nawawalang si Mike Martinez sa QC court.
Magugunitang si Martinez ang sinabi ni Medel na kakutsaba niya sa pagpatay sa beteranang aktres kamakailan.
Samantala, nakatakdang umapela sa mataas na hukuman ang pamunuan ng PNP matapos na matanggap ang utos buhat sa QC-RTC na ilutang nila si Martinez.
Sinabi ni PNP Directorate for Police Community Relations, Director Thompson Lantion na paninindigan nila ang nauna nilang posisyon na hindi nila maihaharap si Martinez dahil wala ito sa kanila at wala silang kinalaman sa pagkawala nito.
"Sabi nga namin noon, how can we produce someone na wala naman sa amin. We said this before at uulitin namin ngayon," pahayag pa ni Lantion.
Ayon pa kay Lantion, imposible na maiharap nila si Martinez sa sala ni Judge Lopez ngayong araw na ito kung kaya ang pinaka-epektibong hakbangin umano na maisasagawa nila ay ang pag-apela ng desisyon sa Court of Appeals. (Ulat nina Angie Dela Cruuz at Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended