^

Metro

Bagitong pulis tinodas ng 2 kabaro

-
Hindi umubra ang tikas ng isang kababagong komisyon na pulis makaraang barilin ito matapos manlaban sa dalawa pang pulis nang sitahin ito ng huli sa ginawang panunutok sa isang sibilyan kahapon ng madaling araw sa Pasay City.

Hindi na umabot ng buhay sa Pasay City General Hospital ang biktimang nakilalang si PO1 Danilo Robleado Jr., 35, may-asawa, nakatalaga sa Special Action Force (SAF), at residente ng #770 Gen. Malvar St., Malate, Manila.

Kusang-loob namang sumuko kay C/Insp. Reynaldo Barat, hepe ng Criminal Investigation Division ang dalawang suspect na sina SPO1 Roberto Despi at PO1 Froilan Trestiza, kapwa nakatalaga sa Regional Mobile Group sa Camp Bagong Diwa, Taguig.

Base sa ulat, naganap ang insidente dakong alas-3:20 ng madaling-araw sa may Bicol Drive Videke sa may Apelo Cruz St., Malibay, Pasay City.

Lasing na umano si Robleado nang ibigay ng waiter na si Jhune Roque, 25, ang kanyang chit na nagkakahalaga ng P512. Sa halip na bayaran ay naglabas umano ng baril ang biktima sabay sa pagtangging magbayad.

Dahil sa takot, tinangkang umalis na lamang ni Roque sa likuran ng club upang makaiwas sa naturang pulis. Lingid sa kanya, sinundan pa rin siya ni Robleado at tinutukan ng baril sa kanyang batok.

Dito namataan ng dalawang suspect si Robleado na nakasibilyan at sinita ito. Sa halip na tumalima, nanlaban pa si Robleado hanggang sa mauwi sa habulan at putukan.

Tinamaan ang biktima sa kanang kili-kili na tumagos sa puso na naging sanhi ng pagkamatay nito. Nabatid din na hindi rin naka-uniporme at wala na sa duty ang dalawang suspect na pulis nang maganap ang insidente. (Ulat ni Danilo Garcia)

APELO CRUZ ST.

CAMP BAGONG DIWA

CRIMINAL INVESTIGATION DIVISION

DANILO GARCIA

DANILO ROBLEADO JR.

DRIVE VIDEKE

FROILAN TRESTIZA

JHUNE ROQUE

PASAY CITY

ROBLEADO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with