^

Metro

2 Peace Corps volunteer tiklo sa aktong pagtatalik

-
Dalawang dayuhang Amerikano at magkasintahan na miyembro ng United States Peace Corps Volunteer ang dinakip ng mga tauhan ng Western Police District Mobile Support Unit (WPD-MSU) kahapon ng madaling-araw makaraang maaktuhan ang mga ito na hubo’t hubad at nagtatalik sa isang bangketa ng Ermita, Manila.

Kinilala ang mga suspect na sina Eugenio Quezada, 25, at Elizabeth Rosh, 25, tubong Alaska, USA at pansamantalang nanunuluyan sa Natividad Pension House, A. Mabini St., Ermita..

Sa ulat ni P/Insp. Richard Gando, dakong ala-una ng madaling-araw nang madaanan ng kanilang mobile car no. 356 ang pagkakaroon ng umpukan ng mga kalalakihan at tuwang-tuwang nagsisigawan sa panulukan ng Sinagoga St., at A. Mabini St.

Agad na naalarma si Gando at inatasan si SPO1 Johnny Gaspar at PO1 Eustaquio Cathin na alamin ang dahilan ng kaguluhan.

Laking gulat na lamang ng dalawang miyembro ng mobile unit nang bumungad sa kanila ang nag-aalab na romansa ng mga suspect na pawang mga hubo’t hubad.

Agad na pinigil nina Gaspar at Cathin ang pagtatalik ng mga suspect at kaagad na pinaalis ang mga nanonood na mga kalalakihan ngunit sampal, kalmot at tadyak ang isinalubong ng mga suspect sa mga awtoridad.

Nabatid na ang naging dahilan ng panlalaban ng babaeng dayuhan sa mga awtoridad ay ang pagkabitin nito sa kanilang pagtatalik.

Napag-alaman pa na ang magkasintahan ay nasa impluwensya ng ipinagbabawal na gamot nang gawin ng mga ito ang tila isang tagpo sa pelikulang ‘pene’. (Ulat ni Grace Amargo)

ELIZABETH ROSH

ERMITA

EUGENIO QUEZADA

EUSTAQUIO CATHIN

GRACE AMARGO

JOHNNY GASPAR

MABINI ST.

NATIVIDAD PENSION HOUSE

RICHARD GANDO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with