^

Metro

'May sayad' tumalon buhat sa rooftop ng condo

-
Matapos ang tatlong beses na pagtatangka, tuluyang nasawi ang isang 39-anyos na lalaki na umano’y may diperensya sa pag-iisip nang tumalon ito mula sa rooftop na tinitirahan nitong condominium kahapon ng umaga sa bayan ng Taguig.

Kinilala ang biktimang si Alfredo Due, ng Room 204 Bldg. 25 Sentennial Village, C-5 Road, Brgy. Western Bicutan, Taguig.

Base sa imbestigasyon ng Taguig Police, tatlong beses na umanong nagtangkang magpakamatay ang biktima dahil sa may diperensya ito sa pag-iisip.

Sa pang-apat na pagkakataon, muli itong nagtangka matapos itong tumalon sa rooftop ng nasabing gusali na tinatayang may anim hanggang sampung palapag na naganap dakong alas-10 kahapon ng umaga.

Samantala, sa lungsod ng Makati, iniimbestigahan pa ng pulisya kung nagpakamatay ba ang isang lalaki sa pamamagitan ng pagtalon mula sa rooftop ng isang car park.

Sa sketchy report na natanggap ni Supt. Jose Ramon Salido, hepe ng Criminal Investigation Division (CID), Makati City Police, kinilala ang biktima sa pamamagitan ng kanyang SSS ID na si Bryan Pagsanhan Gonzales.

Ayon sa imbestigasyon ni SPO4 Leonardo Timtiman ng Homicide Section, pasado alas-12 ng tanghali naganap ang insidente.

Napag-alaman na umakyat umano ang biktima sa Car Park 2 ng Glorietta Mall na may anim na palapag na matatagpuan sa Makati Commercial Center.

Basag umano ang bungo at hindi makilala ang mukha nito matapos tumalon sa nabanggit na lugar. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

ALFREDO DUE

BRYAN PAGSANHAN GONZALES

CAR PARK

CRIMINAL INVESTIGATION DIVISION

GLORIETTA MALL

HOMICIDE SECTION

JOSE RAMON SALIDO

LEONARDO TIMTIMAN

LORDETH BONILLA

MAKATI CITY POLICE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with