Katulong ng NBI na nag-suicide sa loob ng banyo
December 8, 2001 | 12:00am
Iniimbestigahan ng pulisya ang misteryosong pagpapatiwakal ng isang 30-anyos na katulong na dalawang araw pa lamang naninilbihan sa kanyang amo na isang ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) matapos na magkulong sa banyo saka natagpuang nakabitin ng strap ng bag kahapon ng umaga sa Tondo, Maynila.
Ang biktimang si Fe Ragas, tubong Mangnao, Dumaguete City ay housemaid ni NBI Special Investigator III Ariel Fernandez at stay-in sa 2770 Rosalina St., Gagalangin, Tondo.
Sa inisyal na pagsisiyasat ni Detective Ernesto Jose, may hawak ng kaso ng Western Police District-Homicide Division, dakong alas-7:15 ng umaga nang makitang nakabitin ng strap ng bag si Ragas sa loob ng banyo ng bahay ng kanyang amo.
Huling nakitang buhay ang biktima bandang alas-6:50 ng umaga nang itoy pumasok sa banyo saka nagkulong dito.
Ipinabatid umano ni Marlet dela Peña, kasamahang katulong ng biktima sa kanilang among si Ariel kaya dali-dali nila itong pinuntahan upang alamin kung ano ang problema nito.
Nakailang katok na umano sa pinto ang NBI agent subalit walang sagot mula sa biktima kaya nagdesisyon nang sapilitang buksan ang pinto ng banyo at dito tumambad ang nakabigting biktima.
Lumilitaw na dalawang araw pa lamang umano si Ragas na naninilbihan sa pamilya Fernandez nang itoy kunin sa isang Lamp Employment Agency.
Gayunman, sinabi ni C/Insp. Taluban na masusing paiimbestigahan niya ang nasabing kaso upang mabatid kung may foul play. (Ulat ni Ellen Fernando)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended