^

Metro

Tindahan ng Tsinay, nilooban saka pinatay

-
Isang negosyanteng Tsinay ang nasawi samantalang nasa kritikal na kondisyon ang tindera nito matapos barilin dahil sa panlalaban ng isa sa apat na holdaper na pumasok sa kanilang tindahan sa Binondo, Maynila kamakalawa ng gabi.

Nakilala ang biktimang si Judy Go y Chua, 36, may-ari ng Fukume General Merchandise na nasa 813 Asuncion St., Binondo. Namatay kaagad si Go dahil sa tama ng bala ng baril sa ulo.

Ang kanyang salesgirl na si Marie Dino, 21, ng Area B Parola Compound, Tondo, ay nilalapatan ng lunas sa Gat Andres Bonifacio Medical Center sanhi naman ng tama ng bala ng baril sa katawan.

Batay sa ulat ni SPO1 Alfredo Salazar, may hawak ng kaso, dakong alas-7:30 ng gabi nang pasukin ng mga holdaper ang tindahan ni Go na noo’y katulad ng kanyang tindera ay abala sa pag-aasikaso ng mga namimili.

Pagkalabas ng kanilang mga baril, agad na nagdeklara ng holdap ang grupo at tinangkang agawin mula kay Go ang itim na bag nito na naglalaman ng salaping kanilang pinagbentahan.

Tumangging ibigay ni Go ang salapi na nakalagay sa itim na bag kung kaya’t tinutukan siya ng baril sa ulo subalit nanlaban pa rin ang biktima kung kaya’t kinalabit ng isa sa mga suspect ang gatilyo ng baril na bumaon ang bala sa ulo ni Go.

Bumulagta ang duguang biktima kaya’t agad itong dinaluhan ng kanyang tindera bago nagsisigaw at humingi ng tulong na ikinairita naman ng suspect at binaril din ito at tinamaan sa katawan.

Agad namang tumakas ang mga suspect tangay ang itim na bag na may pera ng biktima.

Sinabi naman ni Elmer Rubio, 35, na tutulong siya sa kaso upang malutas agad ito sapagkat nakilala niya ang mga suspect dahil namimili siya nang mangyari ang pagpatay. (Ulat ni Ellen Fernando)

vuukle comment

ALFREDO SALAZAR

AREA B PAROLA COMPOUND

ASUNCION ST.

BINONDO

ELLEN FERNANDO

ELMER RUBIO

FUKUME GENERAL MERCHANDISE

GAT ANDRES BONIFACIO MEDICAL CENTER

JUDY GO

MARIE DINO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with