NBI blangko pa rin sa Nida Blanca murder
December 7, 2001 | 12:00am
Eksaktong isang buwan ngayon. Inamin ng pamunuan ng National Bureau of Investigation (NBI) na wala pa silang hawak na matibay na ebidensiya na magbibigay-daan sa kalutasan ng pamamaslang sa premyadong aktres na si Nida Blanca.
Bagamat mayroong mga sariwang ebidensiyang hawak sila ngayon makaraang magsumite at magbigay ng salaysay si Ms. Gina Pareño kamakailan sa NBI at ilan sa mga showbiz personalities, ang nagnanais din na tumulong at magbigay ng kanilang nalalaman katulad ng komedyanteng si Matutina at ang nauugong na si Ms. Annabelle Rama at ilan pang artista, wala pa sa ngayon kung mayroon man ay mahina pa ang kanilang kaalaman na magtatahak sa kanila upang mapalapit sa paglutas ng naturang krimen.
"Kailangan namin ng matibay at sapat na ebidensiya para magdidiin sa salarin at mastermind dahil kung puro heresay pa lamang at wala tayong pinanghahawakan na magpapatunay sa pahayag ng mga bagong testigo, wala rin," ang sabi ni NBI spokesperson Atty. Ric Diaz.
Kaugnay nito, nilinaw ng NBI na hindi nila inimbita si Ms. Pareño, bagkus ito ay kusang nagpunta sa kanila upang magbigay ng kanyang pahayag at ilang sariwang dokumento na maaaring makatulong sa krimen.
Sa isang panayam kay NBI-National Capital Region Chief Atty. Edmund Arugay, at may hawak ng kaso ng Nida murder case, walang katotohanan na ipapatawag nila lahat ang malalapit na kaibigan ng pinaslang na aktres upang makapagbigay ng tulong. (Ulat ni Ellen Fernando)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended