Kinilala ni Supt. Primitivo Benitez, jail warden ng QC Jail ang biktimang namatay na si Reed Hughes, miyembro ng Sigue-Sigue Sputnik na may kasong robbery.
Si Hughes ay nagtamo ng isang tama ng bala ng baril sa ulo na naging sanhi ng kamatayan nito.
Kasalukuyan namang nasa East Avenue Medical Center ang dalawa pang sugatang preso na sina Jerry Baylon, 19; at Ariston Vargas na nagtamo ng tama ng bala ng baril sa paa at bugbog-sarado sa katawan.
Base sa imbestigasyon, nagkaroon ng kaguluhan sa loob ng naturang piitan dahil sa umanoy pang-aabuso ng lasing na si JO3 Roger Milano
Lumalabas sa report na dakong alas-4:15 ng hapon nang mag-umpisang manggulpi si Milano sa bawat makasalubong na preso.
Dahil dito, kinumpronta ni Vargas ang nagwawalang lasing na jailguard na humantong sa suntukan hanggang sa kuyugin ng iba pang inmates.
Habang nagkakagulo ay lumapit si JO1 David Jambalos upang saklolohan si Milano ngunit kinuyog din ito ng mga galit na preso at naging dahilan upang magpaputok ang mga jailguards kung saan tinamaan ang ilang mga preso at naging dahilan ng pagkamatay ni Hughes. (Ulat ni Jhay Mejias)