^

Metro

QC jail riot: 1 patay, 2 kritikal

-
Isang preso ang namatay habang dalawa pa ang nasa malubhang kalagayan makaraang maganap ang madugong "riot" sa loob ng Quezon City Jail matapos na magwala umano ang isang jailguard na lasing kamakalawa.

Kinilala ni Supt. Primitivo Benitez, jail warden ng QC Jail ang biktimang namatay na si Reed Hughes, miyembro ng Sigue-Sigue Sputnik na may kasong robbery.

Si Hughes ay nagtamo ng isang tama ng bala ng baril sa ulo na naging sanhi ng kamatayan nito.

Kasalukuyan namang nasa East Avenue Medical Center ang dalawa pang sugatang preso na sina Jerry Baylon, 19; at Ariston Vargas na nagtamo ng tama ng bala ng baril sa paa at bugbog-sarado sa katawan.

Base sa imbestigasyon, nagkaroon ng kaguluhan sa loob ng naturang piitan dahil sa umano’y pang-aabuso ng lasing na si JO3 Roger Milano

Lumalabas sa report na dakong alas-4:15 ng hapon nang mag-umpisang manggulpi si Milano sa bawat makasalubong na preso.

Dahil dito, kinumpronta ni Vargas ang nagwawalang lasing na jailguard na humantong sa suntukan hanggang sa kuyugin ng iba pang inmates.

Habang nagkakagulo ay lumapit si JO1 David Jambalos upang saklolohan si Milano ngunit kinuyog din ito ng mga galit na preso at naging dahilan upang magpaputok ang mga jailguards kung saan tinamaan ang ilang mga preso at naging dahilan ng pagkamatay ni Hughes. (Ulat ni Jhay Mejias)

ARISTON VARGAS

DAVID JAMBALOS

EAST AVENUE MEDICAL CENTER

JERRY BAYLON

JHAY MEJIAS

MILANO

PRIMITIVO BENITEZ

QUEZON CITY JAIL

REED HUGHES

ROGER MILANO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with