^

Metro

Osang nagpiyansa sa kasong libel

-
Naglagak ng P10,000 piyansa ang TV host-actress na si Rosanna Roces kahapon sa Pasig City Regional Trial Court para sa pansamantala nitong kalayaan alinsunod sa kasong libel na ipinagharap laban dito ng umano’y miyembro ng carnapping syndicate.

Si Roces, Jennifer Molina sa totoong buhay ay sinamahan ng kanyang asawang si Tito Molina at ng kanyang abogado nang magtungo ang mga ito dakong alas-9:30 ng umaga sa sala ni Judge Abraham Barreto.

Nauna rito ay nagpalabas ng arrest warrant laban kay Roces si Judge Barreto makaraang mapatunayang mayroong probable cause ang isinampang kasong libel ni Joselito ‘Jojo’ Manlongat na umanoy miyembro ng Valle Verde Boys, isang kilabot na sindikato ng carnappers na bumibiktima ng mga luxury cars.

Sa kanyang petisyon, sinabi ni Manlongat na hinamak, dinungisan at niyurakan ni Roces ang kanyang karangalan makaraang tawagin siya nito bilang ‘carnapper’ sa July 7 episode ng programang Star Talk kung saan si Roces ang host.

Ginamit sa pitisyon ni Manlongat ang eksaktong pananalita ni Roces na..."Si Jojo Manlongat yun. Yung carnapper."

Samantala ay pinanindigan naman ni Roces ang kanyang naging aksyon sa nasabing programa na siyang pinagbasehan ng kasong libel.

Ayon sa aktres ay kasalanan ni Manlongat ang lahat dahil aniya napanood niya sa telebisyon ang huli kasama ang ilan pang miyembro ng sindikato na umanoy kinaaniban nito nang ang mga ito ay iharap sa media nang nabuwag na Presidential Anti-Organized Crime Task Force (PAOCTF) noong isang taon dahil sa serye ng nakawan ng mga mamahaling sasakyan.

Itinakda naman ang preliminary trial ng nasabing kaso sa Jan. 16, 2002. (Ulat ni Danilo Garcia)

DANILO GARCIA

JENNIFER MOLINA

JUDGE ABRAHAM BARRETO

JUDGE BARRETO

MANLONGAT

PASIG CITY REGIONAL TRIAL COURT

PRESIDENTIAL ANTI-ORGANIZED CRIME TASK FORCE

ROCES

ROSANNA ROCES

SI JOJO MANLONGAT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with