Si Raquiza, 17, ay nakaburol ngayon sa Holy Trinity Memorial Chapel, Sucat, Parañaque City matapos itong bawian ng buhay habang ginagamot sa intensive care unit (ICU) ng Makati Medical Center (MMC) dakong alas-11 kamakalawa ng gabi.
Nabatid na si Raquiza ay ilang linggo nang comatose at dumanas ng matinding paghihirap habang sinisikap ng mga doktor ng MMC na mailigtas ang buhay nito.
Ang nasabing non-showbiz girlfriend ni Vandolph ay kasama matapos mabangga ang kanilang sinasakyan sa Pangasinan noong nakaraang Nobyembre. Si Raquiza ay napag-alamang nag-iisang anak.
Samantala, hanggang sa ngayon ay patuloy na inoobserbahan ng mga doktor ang kalagayan ni Vandolph. (Ulat ni Lordeth Bonilla)