^

Metro

GF ni Vandolph namatay na

-
Binawian na ng buhay ang non-showbiz girlfriend ni Vandolph na si Desiree Raquiza matapos ang ilang linggong pakikipagtuos kay kamatayan habang nilalapatan ng lunas sa isang pagamutan sa Makati City.

Si Raquiza, 17, ay nakaburol ngayon sa Holy Trinity Memorial Chapel, Sucat, Parañaque City matapos itong bawian ng buhay habang ginagamot sa intensive care unit (ICU) ng Makati Medical Center (MMC) dakong alas-11 kamakalawa ng gabi.

Nabatid na si Raquiza ay ilang linggo nang comatose at dumanas ng matinding paghihirap habang sinisikap ng mga doktor ng MMC na mailigtas ang buhay nito.

Ang nasabing non-showbiz girlfriend ni Vandolph ay kasama matapos mabangga ang kanilang sinasakyan sa Pangasinan noong nakaraang Nobyembre. Si Raquiza ay napag-alamang nag-iisang anak.

Samantala, hanggang sa ngayon ay patuloy na inoobserbahan ng mga doktor ang kalagayan ni Vandolph. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BINAWIAN

DESIREE RAQUIZA

HOLY TRINITY MEMORIAL CHAPEL

LORDETH BONILLA

MAKATI CITY

MAKATI MEDICAL CENTER

NABATID

NOBYEMBRE

SI RAQUIZA

VANDOLPH

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with