^

Metro

Ginang, lumulon ng sandakot na watusi

-
Isang 29-anyos na ginang ang naitala bilang ika-14 na biktima at ikatlo sa nasawi makaraang lumulon ng isang dakot na watusi dahil sa labis umanong kahirapan kahapon ng umaga sa Pasay City.

Namatay noon din ang biktima na kinilalang si Racquel Hermocilla ng #9 Caressa St., Rivera Village, NAIA Road, Pasay City.

Sa imbestigasyon nina SPO2 Eduardo Cabria at PO3 Reynaldo Aguba ng Criminal Investigation Division (CID), Pasay City, dakong alas-6 kahapon ng umaga nang matagpuan ng mga kapitbahay na nakahandusay sa labas ng kanilang bahay ang biktima.

Kaagad na natukoy ng isa sa mga kapitbahay nito na nakilalang si Michelle Medraso na lumunok ng watusi ang biktima makaraang makitaan sa loob ng bibig nito ang ilang hindi pa halos natutunaw na paputok.

Kaagad na nilapatan ng first aid ng mga kapitbahay ang biktima bago ito itinakbo sa Olivarez Medical Center, gayunman ay nalagutan din ito ng hininga bago pa dumating sa nasabing pagamutan.

Lumilitaw sa imbestigasyon na bago naganap ang pagpapatiwakal ng biktima ay madalas na naririnig itong nakikipag-away sa kanyang asawa bunga ng labis na kahirapan.

Kaugnay nito ay agad namang ipinag-utos ng National Poison Control and Information Service (NPCIS) ng University of the Philippines -Philippine General Hospital (UP-PGH) ang istriktong pagmo-monitor ng mga aksidenteng pagkakalunok ng mga watusi partikular sa mga kabataan. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

CARESSA ST.

CRIMINAL INVESTIGATION DIVISION

EDUARDO CABRIA

KAAGAD

LORDETH BONILLA

MICHELLE MEDRASO

NATIONAL POISON CONTROL AND INFORMATION SERVICE

OLIVAREZ MEDICAL CENTER

PASAY CITY

PHILIPPINE GENERAL HOSPITAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with