5 graduating ng criminology students arestado sa panghoholdap
December 5, 2001 | 12:00am
Posibleng hindi na makapagtapos pa at maging ganap na pulis ang limang graduating student ng Phil. College of Criminology (PCCR) nang arestuhin ang mga ito matapos na mangholdap ng tatlong kababaihan, kamakalawa ng gabi sa Caloocan.
Kinilala ni Supt. Benjardi Mantele, hepe ng Caloocan City Police ang nadakip na mga suspect na sina Benjamin Mabini, 22, ng Dagat-Dagatan, Caloocan; Mervin Cereno, 20; Jeffrey del Pilar, 21; Jeric Perez, 21; at Eddie Boy Lagman, 19.
Samantala, positibo namang kinilala ang mga suspect ng mga biktimang sina Vilma Castillo, 25; Welmenia Uri, 26 at Catherine Santos, 28.
Ayon sa ginawang imbestigasyon ng pulisya, dakong alas- 8:30 ng gabi nang maaresto ng mga awtoridad ang limang suspect sa may panulukan ng A. Mabini at Marcela St. habang ang mga ito ay lulan ng isang owner type jeep na may plakang PLK-682.
Base sa sinumpaang salaysay ng mga biktima, naglalakad sila sa may Rizal Avenue Extension nang harangin ng sasakyan ng mga suspect. Bumaba ang tatlo sa mga ito na armado ng patalim at pagkatapos ay bigla na lamang inagaw ang kanilang mga bag na naglalaman ng pera, cellphone at mga alahas at pagkatapos ay mabilis nang nagsitakas.
Sa isinagawang follow-up operation namataan ang mga suspect sa kahabaan ng A. Mabini kung kayat mabilis silang hinabol ng pulisya na nagresulta sa kanilang pagkaaresto.
Ang mga suspect ay kasalukuyang nakapiit sa himpilan ng pulisya sa Caloocan habang inihahanda ang kaso laban sa mga ito. (Ulat ni Gemma Amargo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended