Trader kinatay sa loob ng sasakyan
December 5, 2001 | 12:00am
Isang 38-anyos na negosyante ang natagpuang patay at tadtad ng saksak sa katawan sa loob ng kanyang sasakyan na nakaparada sa kahabaan ng Kalayaan Avenue, Makati City, kamakalawa ng hapon.
Sa ulat na nakarating sa tanggapan ni Supt. Jose Ramon Salido, chief ng Criminal Investigation Division (CID) ng Makati City Police, nakilala ang nasawing biktima na si Gerardo Ozaeta Jr., ng 137 G. Reyes St., San Juan, Metro Manila. Nagtamo ang biktima ng maraming saksak sa katawan at leeg buhat sa isang screw driver.
Ayon sa isinagawang imbestigasyon ni PO2 Jovenal Barbosa, may hawak ng kaso, dakong alas-3 ng madaling-araw nang mapansin ang nakaparadang kulay gray na Vitalic na may plakang UWB-266 sa kahabaan ng Kalayaan Avenue sa panulukan ng C-5 Road.
Dahil sa malakas na alarma ng nasabing sasakyan, nakapagbigay ito ng atensyon sa ilang residente. Nang usyosohin ay nakita sa loob ang nakahandusay at duguang katawan ng biktima.
Malaki ang hinala ng pulisya na may kinalaman sa negosyo nitong pagpapautang ng malaking halaga ng salapi ang motibo sa isinagawang pamamaslang.
Patuloy naman ang isinagawang imbestigasyon ng pulisya ukol dito. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended