^

Metro

QC court nabulabog kay Medel

-
Naghari ang tensiyon sa naging paghaharap kahapon nina Philip Medel at Task Force Marsha spokesman Senior Supt. Leonardo Espina sa sala ni Quezon City Regional Trial Court Judge Percival Lopez ng branch 78 nang muling magsisigaw ang una gaya ng ginawa nito sa isinagawang pagdinig sa Department of Justice (DOJ) kamakailan nang bawiin niya ang una niyang testimonya.

Ito ay nag-ugat nang ipagdiinan ni Espina sa witness stand na boluntaryong sumuko sa kanila si Medel at walang pagto-torture na naganap dito, gaya nang ipinaparatang nito. Itinanggi din ni Espina na itinatago nila si Mike Martinez na umano’y susi sa paglutas sa kaso ng beteranang aktres.

Habang nagbibigay nang pahayag ang TF Marsha spokesman ay bigla namang nagsisigaw si Medel at sinabing "I did not volunteer", kasabay pa nang pagtataas ng kamay dahilan naman upang balaan ito ng hukom na manahimik kundi ay kanya itong ipapakulong sa loob ng Quezon City jail.

Pumayapa naman si Medel at habang nasa upuan ay ibinubulong na sinungaling si Espina na sinabayan pa nito nang pangangatog ng katawan na tila anumang oras ay maaaring muling magliyab ang kinikimkim na galit.

Sa isinagawang pagdinig, pinanindigan din ni Medel na nakaharap niya si Mike Martinez noong Nobyembre 19 makaraang umano’y dukutin ito ng mga armadong kalalakihan habang naglalakad sa may Magnolia St., Sun Valley Subdivision sa Parañaque na tila may palatandaan pa na ito ay pinahirapan.

Nag-ugat naman ang paghaharap ni Medel at Espina sa korte makaraang magsumite ng writ of habeas corpus ang pamilya ni Martinez para tuluyang mabatid ang kinaroroonan nito.

DEPARTMENT OF JUSTICE

ESPINA

LEONARDO ESPINA

MAGNOLIA ST.

MEDEL

MIKE MARTINEZ

NANG

PHILIP MEDEL

QUEZON CITY

QUEZON CITY REGIONAL TRIAL COURT JUDGE PERCIVAL LOPEZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with