Mayor Malonzo binatikos dahil sa basura
December 4, 2001 | 12:00am
Binatikos ng mga residente at negosyante si Caloocan City Mayor Reynaldo Malonzo dahil sa pagkabigo nitong makolekta ang nagtambak na basura sa lungsod.
Ayon sa mga residente at traders, partikular na nagsisilbing tambakan ng basura at hindi nakokolekta ay ang harapan ng NCT Compound sa kahabaan ng Dagat-Dagatan Ave., Caloocan.
Anila, hindi lamang masakit tignan ang nagkalat na basura sa nasabing lugar na daanan pa naman ng mga motorista kundi nagsisilbi pa rin itong panganib sa mga residente na nakatira malapit dito.
Dahil dito, hiniling nila kay Malonzo na atasan ang kanyang mga tauhan na kolektahin ang nasabing basura sa naturang lugar.
"Nagbabayad kami ng tamang buwis sa city government kaya nararapat lamang na ibalik nila ito sa mamamayan sa pamamagitan nang maayos na serbisyo para sa publiko, tulad nang regular na pagkolekta sa mga basura", ayon sa isang negosyante. (Ulat ni Rudy Andal)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended