3-anyos na anak hinostage ng sariling ama
December 4, 2001 | 12:00am
Nagawa umanong i-hostage ng isang ama ang kanyang tatlong taong gulang na anak na lalaki at pagtangkaan pang saksakin ang kanyang bayaw matapos na makipag-away ang una sa kanyang misis, kahapon ng madaling araw sa Makati City.
Nakilala ang suspect na si Richard Benjamin, 25, ng 1623 D. Benito St., Brgy. Kasilawan ng nabanggit na lungsod. Ito ay kasalukuyang nakapiit sa Makati City Police detention cell.
Samantala, ang nagharap ng reklamo ay ang bayaw nito na si Roberto Dominguez, 33, miyembro ng bantay-bayan at residente rin sa nabanggit na lugar.
Ayon sa ulat, naganap ang insidente dakong alas-3 ng madaling araw kahapon.
Nauna dito, nabatid na nag-away ang suspect at ang misis nito at dahil sa matinding init ng ulo ay binalingan ng nagwawalang suspect ang kanyang anak na itinago sa pangalang Jun-Jun na kanyang ini-hostage.
Mabilis namang rumesponde si Dominguez upang saklolohan ang kanyang pamangkin, subalit sa halip na makinig ay kumuha ng patalim ang suspect at tinangkang saksakin ang kanyang bayaw.
Dahil sa hindi maawat ang suspect sa kanyang pagwawala ay kumuha ng tubo ang biyenan nitong si Abelina at hinataw ito sa tuhod na naging dahilan upang matumba si Benjamin.
Nabitiwan nito ang hostage na anak kaya mabilis siyang nadakip ng mga tauhan ng bantay-bayan.(Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended