^

Metro

Pagguho ng bangin sa Marikina fault line nakaamba

-
Pinangangambahang muling mauulit na naman ang trahedya sa Cherry Hills dahil sa inaasahang pagguho ng isang bangin sa Pasig City na bahagi ng mahabang Marikina fault line kung saan may 37 mayayamang pamilya sa isang condominium townhomes ang pinaalis na sa kanilang tirahan dahil sa panganib.

Sinabi ni Pasig City Administrator Reynaldo Dionisio na nagpadala na sila ng mga notices na umalis na ang mga pamilya na nakatira sa may 37 condominium units sa Cityland Townhomes sa may Brgy. Oranbo, Pasig City at katabi lamang ng Valle Verde 1 Subdivision.

Ang naturang townhomes ay nakatirik lamang sa ibabaw ng may 35 metrong taas na bangin at natuklasang may malaki nang lamat dahil sa "soil erosion" na nagpahina ng pundasyon nito.

Kung magkakaroon umano ng isang lindol o tuluy-tuloy na pag-ulan tulad ng naganap sa Cherry Hills sa Antipolo City, tuluyang babagsak na umano ang naturang bangin kasama ang mga bahay na nakatirik sa ibabaw nito.

Sinabi ni Dionisio na tinutulungan na nila ngayon ang mga residente ng naturang condominium houses na kasuhan ang developer nito ang Cityland Development Corp. (Ulat ni Danilo Garcia)

ANTIPOLO CITY

BRGY

CHERRY HILLS

CITYLAND DEVELOPMENT CORP

CITYLAND TOWNHOMES

DANILO GARCIA

PASIG CITY

PASIG CITY ADMINISTRATOR REYNALDO DIONISIO

SINABI

VALLE VERDE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with