^

Metro

10 taon hatol sa 2 miyembro ng Bukas-Kotse Gang

-
Hinatulan ng 10-taong pagkabilanggo ang dalawang miyembro ng Bukas-Kotse Gang matapos mapatunayang nagkasala ng pagnanakaw sa dalawang tabloid reporters, isang taon na ang nakalipas sa lungsod ng Maynila.

Inatasan din ni Manila Regional Trial Court Judge Antonio Eugenio ng Branch 24 ang mga akusadong sina Jonathan Lagbu at Noel Tubog na magbayad ng halagang P8,500 at P3,700 bilang danyos sa mga biktima na sina Marlon Purificacion, 29, reporter ng Journal Group of Publications; Noel Abuel, 29, ng pahayagang Abante.

Sina Tubog at at Lagbu ay inaresto, kinasuhan at hinatulan ng hukuman dahil sa pagnanakaw ng mamahaling gamit na umaabot sa halagang P50,000 noong Nobyembre 2, 2000.

Ayon kay Purifacacion, ipinarada lamang niya ang kotseng Mitsubishi Lancer, may plakang UGA-700 sa kanto ng Ongpin at Padilla Streets noong gabi ng Nobyembre 1.

Kasama niya si Abuel para magkape sa coffee shop ng Lailai Hotel at tuloy magpatila sa malakas ng buhos ng ulan noong mga oras na iyon.

Basag na ang salamin sa likurang bahagi ng kotse ni Purificacion nang balikan niya ito makalipas ang ilang oras.

Nang siyasatin ay doon nila nalaman na nawawala na ang imported na Lacoste jacket ni Purificacion na nagkakahalaga ng P8,000; Police Sunglasses, P2,500; at isang Oakley sunglasses na nagkakahalaga naman ng P6,000.

Nawala naman ang laptap computer ni Abuel na nagkakahalaga ng P20,000; Nextel cellphone, P5,000; Sony tape recorder, P1,200; gintong wedding ring na may halagang P5,000 at cash na 2,500.

Kaagad nagtungo sina Purificacion at Abuel sa Western Police District station 11 upang ipagbigay-alam kay station chief Supt. Juanito ‘Jojo’ de Guzman ang naturang pangyayari. Mabilis na tumugon si De Guzman at inatasan si SPO1 Leonardo ‘Bitoy’ Magpantay at PO1 Edwin Perez para tugisin ang mga kawatan. (Ulat nina Grace Amargo at Ellen Fernando)

ABUEL

BUKAS-KOTSE GANG

DE GUZMAN

EDWIN PEREZ

ELLEN FERNANDO

GRACE AMARGO

JONATHAN LAGBU

JOURNAL GROUP OF PUBLICATIONS

LAILAI HOTEL

PURIFICACION

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with