Mga batang tumalon hanap ng foreign television producer
December 3, 2001 | 12:00am
Hindi lamang katarungan ang inaasahang mapapasakamay ng apat na mga paslit na mula sa Dumaguete City kundi maging international fame buhat sa isang foreign television producer na kilala sa pagdodokumento ng mga kamangha-manghang kakayahan ng tao makaraang makarating sa kaalaman ng mga ito ang ginawang pagtalon sa may 50 talampakang taas ng gusali kamakalawa ng madaling araw sa Sta. Cruz, Manila.
Inaasahan na agad na makikipag-ugnayan ang dayuhang television producer sa pamamagitan ng local counterpart nito sa kinauukulan upang beripikahin kung walang galos, bali at pilay na tinamo ang apat na biktima na itinago sa pangalang Mia, Maya, Mea at Mila pawang mga nasa edad 12-14 mula sa panghahalay ng isang Fil-Chinese na kinilalang si Harry Ching.
Sinabi ni Mr. Raymond Ferrel, isa sa mga researcher ng Fox television na base sa kanilang mga nadokumentuhang pagtalon sa gusali, sadya man o aksidente ay wala pa silang naitalang sinuman na hindi dumanas ng kahit na munting bali at galos.
Kamangha-mangha aniya kung totoong mabibigyan ng medical support ang naganap sa apat na biktima ng panggagahasa.
Matatandaan na ang apat na paslit ay pormal na nagreklamo sa Western Police District Station 8 makaraang matagumpay na makatalon sa bintana ng gusaling pagmamay-ari ng suspek.
Idinagdag pa ng mga biktima na hindi rin sila makapagsumbong sa kinauukulan dahil sa pagkatapos ng kanilang trabaho bilang helper at katulong sa garment factory ng suspek ay ikinukulong na sila sa isang kuwarto na may kandado.
Nang makakita ng daraanan na bukas na bintana na nasa ikalawang palapag ng naturang gusali ay walang takot na tumalon ang apat.
Ilang mga kapitbahay ng mga biktima ang nagpatotoo na parang mga pusang bumagsak sa lupa ang mga paslit na tila walang anumang sakit na naramdaman mula sa taas na tinalunan ng mga ito.
Makaraang makapagsumbong ang mga biktima, hindi naman inabot ng mga awtoridad ang suspek.
Kasalukuyan pa ring tinutugis ang suspek upang papanagutin sa ginawang pang-aabuso sa mga paslit. (Ulat ni Grace Amargo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest