Misis ng pulis pinatay
December 2, 2001 | 12:00am
Binaril at napatay ang isang 30 anyos na ginang ng tatlong kalalakihan na hinihinalang kaaway ng mister nitong pulis kahapon ng madaling araw sa Brgy. Pag-asa, Quezon City.
Namatay habang ginagamot sa QC General Hospital ang biktimang si Gilda Foronda, ng 127 Agham Road, San Roque II dahil sa tinamong tama ng bala sa tiyan.
Lumalabas sa imbestigasyon, dakong alas-3:15 ng madaling araw ay lumabas ng bahay ang biktima para ayusin ang tinda nito sa isang talipapa na malapit sa kanilang tahanan.
Bigla na lamang umanong lumapit ang tatlong suspek sa biktima at agad na ito ay binaril at pagkatapos ay mabilis na tumakas.
Mabilis na lumabas ng bahay ang asawa ng biktimang si SPO2 John Foronda subalit hindi na nito naabutan ang mga salarin.
May hinala ang pulisya na ang talagang pakay ng mga suspek ay ang pulis. (Ulat ni Jhay Mejias)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended