Bunso napatay sa saksak ng kuya sa mismong birthday party
December 1, 2001 | 12:00am
Hindi na natapos ng isang lalaki ang pagdiriwang ng kanyang ika-27 taong kaarawan matapos na masawi siya sa kamay mismo ng kanyang sariling kapatid na sumaksak sa kanya dahil umano sa inggit nito noong Huwebes ng gabi sa Pasig City.
Namatay habang ginagamot sa loob ng Pasig City General Hospital ang biktimang nakilalang si Reynaldo Paglama, ng #31 Doña Juliana 2, de Castro Subd., Brgy. Sta. Lucia. Nagtamo ito ng dalawang tama ng saksak sa katawan na naging sanhi ng kanyang kamatayan.
Pinaghahanap naman ngayon ng pulisya ang suspect na si Rogelio, 30, na agad na tumakas dala ang patalim na ginamit nito sa krimen. Nahaharap ito ngayon sa kasong parricide.
Sa ulat ni C/Insp. Roque Alcantara, hepe ng Criminal Investigation Division, nabatid na naganap ang insidente sa loob ng kanilang bahay dakong alas-10:30 ng gabi.
Nagseselebra umano ng kanyang kaarawan si Reynaldo kasama ang mga kabarkada na nag-iinuman nang dumating si Rogelio. Sa halip na batiin at makisaya sa grupo ang suspect, agad umano nitong kinompronta ang kapatid.
Kinukuwestiyon umano ng suspect ang paghingi ng pera sa kanilang magulang upang may maipanghanda ito. Isang pagtatalo ang sumiklab sa pagitan nila at tinangka pang umawat ng kanilang ina.
Dahil sa pagkampi sa nakakabatang kapatid, dito na tuluyang nagbunot ng dalang patalim ang suspect at walang sabi-sabing inundayan ng saksak ang biktima. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended