^

Metro

Flights sa ME dinagdagan ngayong Kapaskuhan para sa OFWs

-
Upang maiwasan ang pagka-stranded ng libu-libong mga Overseas Filipino Workers (OFWs), nagdagdag na ng flights sa Middle East ang Department of Transportation and Communications (DOTC) upang maging sapat ang mga eroplano at makahabol ang mga ito sa Pasko.

Sinabi ni Civil Aeronautics Board (CAV) deputy executive director Carmelo Arcilla na pinayagan nang makapagdagdag ng 10 flights ang Emirates Air matapos ang isinagawang petisyon nito.

Una nang nagpahayag ng pangamba si Fe Nicodemus, pinuno ng may 100,000 OFWs sa United Arab Emirates na baka marami sa kanila ang ma-stranded dahil sa kakulangan ng mga flights pauwi sa Pilipinas ngayong Disyembre.

Bukod sa Emirates Air, pinag-aaralan na ng CAV kung aling mga airlines pa ang kanilang bibigyan ng dagdag na flights sa iba pang bahagi ng Middle East.

Kasabay nito, inihayag ni Arcilla na inaprubahan na nila ang 10% adjustment sa pasahe sa domestic flights matapos na tugunan ng CAV ang petisyon nito dahil sa pagkalugi umanong dinaranas dahil sa mataas na inflation rate mula Hunyo hanggang Setyembre at pagtaas ng halaga ng presyo ng gasolina sa eroplano.

Nakatakda umanong ipatupad ang pagtataas bago sumapit ang Enero ng taong 2002. (Ulat ni Danilo Garcia)

ARCILLA

CARMELO ARCILLA

CIVIL AERONAUTICS BOARD

DANILO GARCIA

DEPARTMENT OF TRANSPORTATION AND COMMUNICATIONS

EMIRATES AIR

FE NICODEMUS

MIDDLE EAST

OVERSEAS FILIPINO WORKERS

UNITED ARAB EMIRATES

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with