Pag-atake ng MNLF sa Metro Manila minaliit ng PNP
November 30, 2001 | 12:00am
Minaliit kahapon ng pamunuan ng Philippine National Police (PNP) ang kapabilidad ng renegade forces ng inarestong si outgoing Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) Gov. Nur Misuari na maghasik ng kaguluhan sa Metro Manila.
Ayon kay PNP Spokesman Chief Supt. Cresencio Maralit na kung mayroon mang mga alipores si Misuari na magsasagawa nang pagsalakay sa kalakhang Maynila ay kaya itong tapatan ng mga nakabantay na puwersa ng pulisya at militar.
Naniniwala din ang opisyal na bago pa man maisipan ng Moro National Liberation Front (MNLF) renegades ni Misuari na makapanggulo ay agad na itong matutugunan at mahaharang ng mga awtoridad.
Tinuran din nito na sa kasalukuyan ay maituturing na baldado ang nasabing puwersa matapos na itaboy ang mga ito ng militar mula sa Zamboanga City papuntang Zamboanga del Sur, kamakalawa matapos na palayain ang mga hinostage na sibilyan. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended