2 itinumba dahil sa droga
November 29, 2001 | 12:00am
Pinaniniwalaang onsehan sa ipinagbabawal na gamot ang dahilan sa isinagawang pagpaslang sa dalawang kalalakihan na pinagbabaril ng apat na suspect sa La Loma, Quezon City, kamakalawa ng gabi.
Kinilala ni Supt. Freddie Panen, hepe ng CPD Station 1 ang isa sa nasawi base sa nakuhang diary dito na si Nario Yumul, habang ang isa naman ay inilarawan lamang na nasa gulang na 30-35, payat at nakasuot ng polo at maong na pantalon.
Si Yumul ay nagtamo ng apat na tama ng bala ng baril sa katawan at ulo, samantalang ang isa naman ay nagtamo ng dalawang tama.
Sa isinagawang imbestigasyon, sinabi ni Panen na malaki ang posibilidad na onsehan sa droga ang dahilan sa isinagawang pagpaslang sa mga biktima. Narekober sa labi ni Yumul ang tatlong sachet ng shabu.
Sa kasalukuyan nagsasagawa ng follow-up operation ang pulisya para sa ikadarakip ng mga suspect. (Ulat ni Jhay Mejias)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended