Principal hinoldap na, sinaksak pa
November 29, 2001 | 12:00am
Isang 55-anyos na biyudang principal sa isang pampublikong eskuwelahan sa Caloocan City ang nasugatan matapos itong manlaban at saksakin ng nag-iisang holdaper na humoldap sa kanya sa loob ng isang pampasaherong jeep, kahapon ng umaga.
Ang biktima ay nakilalang si Carolina Trillana Guevarra ng Gagalangin, Tondo at principal sa Bonifacio Elementary School.
Base sa isinagawang imbestigasyon ng pulisya naganap ang insidente dakong alas-6 ng umaga sa panulukan ng A. Mabini at Kabulusan St. habang ang biktima ay sakay sa isang pampasaherong jeep.
Nabatid na kagagaling lamang ng biktima sa kanilang bahay at papasok na ito sa eskuwelahan nang bigla na lamang siyang tutukan ng patalim ng katabing lalaki na nagpahayag ng holdap.
Nang tumanggi ang biktima na ibigay sa holdaper ang bag ay sinaksak siya nito sa kaliwang braso dahilan upang tuluyang madala ng suspect ang kanyang gamit na nandoon ang P60,000 cash na pera ng kanilang asosasyon sa Phil. Elementary School Principals Association - Caloocan Chapter na siya ang tumatayong treasurer.
Bukod dito, nakuha din ng suspect ang kanyang cellphone at apat na tseke na aabot sa halagang P200,000. (Ulat ni Gemma Amargo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended