^

Metro

Dahil sa titig binatilyo binoga, patay

-
Isang 16-anyos na high school student ang nasawi matapos itong barilin ng isang lalaki na kanyang tinitigan kamakalawa ng gabi sa Parañaque City.

Dead-on-arrival nang isugod sa Parañaque Medical Center ang biktima na nakilalang si Dennis Villalobos, 4th year high school student at nakatira sa Block 7, Lot 4, Bookside, Napoleon Compound, UPS-5 Brgy. San Isidro, ng lungsod na ito sanhi ng tama ng bala sa dibdib buhat sa hindi pa mabatid na kalibre ng baril.

Samantala, mabilis namang tumakas ang suspect na nakilalang si Gregorio Baklayan ng nabanggit na lugar.

Ayon sa imbestigasyon ni SPO3 Odeo Cariño, ng Criminal Investigation Division (CID), Parañaque City Police, naganap ang insidente dakong alas-11 kamakalawa ng gabi sa UPS-5 Subd., Brgy. San Isidro ng lungsod na ito.

Kasama ng biktima ang kaibigan nitong si Renato Naag, 17, na naglalakad sa lugar nang masalubong nila ang suspect.

Napatitig si Villalobos kay Baklayan na minasama naman ng huli hanggang sa nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang magkabilang panig.

Pinagbabato pa ng suspect ang biktima at ang kaibigan nitong si Naag. Hindi pa nakuntento ang lalaki, kumuha ito ng baril at pinaputukan si Villalobos na naging dahilan ng agaran nitong kamatayan. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

vuukle comment

BRGY

CITY POLICE

CRIMINAL INVESTIGATION DIVISION

DENNIS VILLALOBOS

GREGORIO BAKLAYAN

LORDETH BONILLA

MEDICAL CENTER

NAPOLEON COMPOUND

ODEO CARI

SAN ISIDRO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with