^

Metro

2 airport police pinapurihan sa pagbabalik ng P.5M halaga ng alahas ng hinete

-
Dalawang tauhan ng airport police sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang nagpakita ng kanilang katapatan sa tungkulin makaraang ibalik ng mga ito ang bag ng isang bantog na hinete na naglalaman ng mga highly expensive solid gold jewelry na nagkakahalaga ng mahigit sa P.5 million.

Walang pagsidlan ang naging kagalakan ni Gualberto Jacobe na kilala sa larangan ng horse racing bilang Jockey Jacobe ng Urdaneta, Pangasinan nang ibalik sa kanya nina Cpls. Virgilio Dinong at Ricardo Manalo, kapwa miyembro ng APD ang nawawala nitong Chivas Regal bag.

Si Jacobe, na nanatili sa Saudi Arabia ng mahigit sa anim na buwan bilang horse trainer ay dumating sa bansa lulan ng Saudia Airlines flight SV-860 kamakalawa ng hapon.

Dahil sa pagmamadali ay hindi nito namalayang naiwan sa transport loading counter ng NAIA Terminal arrival extension area ang bag na kanyang nabili sa duty free na dito ay isiniksik niya ang clutch bag na may lamang mamahaling mga alahas.

Kaugnay nito, pinuri nina NAIA generel manager Edgardo Manda at Lt. Manuel Suner, hepe ng APD ang katapatang ipinamalas nina Dinong at Manalo. (Ulat ni Butch Quejada)

BUTCH QUEJADA

CHIVAS REGAL

EDGARDO MANDA

GUALBERTO JACOBE

JOCKEY JACOBE

MANUEL SUNER

NINOY AQUINO INTERNATIONAL AIRPORT

RICARDO MANALO

SAUDI ARABIA

SAUDIA AIRLINES

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with