Resulta sa imbestigasyon sa Carlson suicide hingi ng 2 utol ng aktres
November 27, 2001 | 12:00am
Kahit isinara na ang imbestigasyon sa pagkamatay ng beauty queen at aktres na si Maria Teresa Carlson matapos itong magpakamatay sa pamamagitan ng pagtalon mula sa 23rd floor ng Platinum 2000 building sa Greenhills, San Juan, nais pa ring makatiyak ng dalawang kapatid na babae nito na dumating sa bansa kahapon kung ano talaga ang tunay na sanhi ng kamatayan nito.
Sinabi ni San Juan police chief, Supt. Rodrigo de Gracia na agad na nagtungo sa kanyang tanggapan sina Gigette Kruz at Joanna Bronson pagkalapag na pagkalapag ng mga ito sa Manila galing sa California, USA.
Pagkagulat at pagtataka umano ang naging inisyal na reaksyon ng dalawa matapos na mabatid ang balitang patay na ang kanilang kapatid.
Hiniling ng dalawa na ibigay sa kanila ang resulta ng imbestigasyon sa kabila nang hindi inihayag ng mga ito ang kanilang pagdududa sa tunay na sanhi ng kamatayan ni Carlson.
Hiniling din ng mga ito na bigyan sila ng sariling kopya ng pinal na autopsy report na isinagawa sa labi ng kanilang kapatid. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended