^

Metro

36 stick ng marijuana nakuha sa papaalis na Kano

-
Isang papaalis na American Citizen ang dinakip ng mga kagawad ng Philippine National Police-Aviation Security Group (PNP-ASG) kahapon sa Ninoy Aquino International Airport dahil sa pag-iingat ng 36 na stick ng marijuana.

Sa ulat na tinanggap ni C/Supt. Marcelo S. Ele, Jr., hepe ng PNP-ASG mula kay Supt. Efren Labiang, hepe ng 1st Regional Aviation Security Office (RASO), ang pasahero ay nakilalang si Braunski Hall, 30, residente ng North Carolina, at may hawak ng US passport bilang 400229649.

Si Hall ay nakatakdang umalis patungong Amerika sakay ng Northwest Airlines flight 072 nang masakote ng mga awtoridad.

Habang sumasailalim ng body frisk si Hall, nakapa ng isang nagngangalang Ma-limban, isang non-uniformed policeman (NUP) na nakatalaga sa West Final Check-in ang bilog na bagay sa kanang bulsa ni Hall.

Nang tanungin ni Malimban si Hall kung ano ang laman ng plastic na nakabalot sa masking tape, sinabi ng huli na cotton buds lamang ang mga ito.

Dahil hindi maipaliwanag ng pasahero kung bakit naka masking tape pa ang mga cotton buds, pinabuksan ito ni Malimban at dito nakita ang mga stick ng marijuana na nakahalo sa mga cotton buds.

Sa drug testing na isinagawa, nabatid na positibong marijuana ang nakumpiska mula kay Hall. (Ulat ni Butch Quejada)

vuukle comment

AMERICAN CITIZEN

BRAUNSKI HALL

BUTCH QUEJADA

EFREN LABIANG

MALIMBAN

MARCELO S

NINOY AQUINO INTERNATIONAL AIRPORT

NORTH CAROLINA

NORTHWEST AIRLINES

PHILIPPINE NATIONAL POLICE-AVIATION SECURITY GROUP

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with