Kaugnay nito, ngayong araw na ito ay nakatakdang imbitahan ni Sr. Insp. Eddie Cruz, hepe ng WPD Theft and Robbery Section, si Vida Molina, secretary umano ni Ms. Herminia Celdeno, Chief Admin ng BIR upang isailalim sa masusing interogasyon ni PO3 Gordius Alumbro, may hawak ng kaso.
Base sa pahayag ng naturang security guard, dakong alas-9:00 ng gabi noong nakaraang Nobyembre 20 nang tumawag sa kanya si Molina upang tanungin kung may tao pa sa 6th floor ng naturang gusali kung saan nakalagay ang naturang malaking halaga.
Nang sabihin ko na walang tao, sinabihan niya ako na huwag na lamang malalaman ng iba at ilihim ko na lang daw na nakausap ko siya ng gabing yun, anang sekyu kay PO3 Alumbro.
Samantala, isang anggulo ang tinitingnan ngayon ng pulisya, na maaaring kulang na ang pera nang ilagay ito sa steel cabinet, dahil halos isang oras lamang itong binilang ay nailagay agad sa mga envelope para sa 900 na empleyado.
Tanging si Sarah Dolina, Revenue officer kasama ang kaherang si Alma Quintos ang naiwan na may hawak ng susi ng main door at ng steel cabinet. Umalis ang dalawa bandang alas 5:10 ng hapon ng nasabi ring araw.
Base sa initial investigation sina Dolina, Quintos at dalawa pang kawani ng BIR ang nag-withdraw ng halagang P6,599,230 sa sangay ng Landbank sa intramuros dakong alas-2 ng hapon ng November 20 kung saan isa-isang isinilid sa envelope.
Nang araw ding iyon ay naipamahagi na nila ang P1.5 milyon na bonus sa ibang empleyado.
Kinabukasan na ng matuklasang nawawala sa steel cabinet dakong alas-8:10 ang nasabing P6.5 milyon. (Ulat ni Ellen Fernando)