Ito ang ibinunyag kahapon ng isang source sa National Bureau of Investigation (NBI) base na rin sa mga impormasyon na kanilang nakalap.
Tiniyak ng naturang source na mayroon na silang tinututukang utak sa krimen subalit tumangging banggitin ang pangalan upang hindi mabulabog ang suspek at hindi makaapekto sa kanilang isinasagawang imbestigasyon.
Inaasahan ngayong araw ay nakatakdang magsanib ng kanilang mga nakalap na ebidensiya ang NBI at ang Western Police District (WPD) upang lalo pang mapagtibay at mapalakas ang katibayan laban sa kanilang tinutumbok na suspek.
Kasabay nito ay ipapalabas din ngayong araw ang resulta ng ginawang ballistic at paraffin test sa inarestong empleyado ng Comelec na si Laverene Manzano, na umanoy driver body guard ng da-ting EID Director na si Atty. Angelina Matibag, matapos makuhanan ng .9mm kalibreng baril.
Magugunitang si Manzano ay inaresto ng mga ahente ng NBI matapos makuhaan ng baril na .9mm na walang mga kaukulang papeles. Si Cinco ay nasawi sanhi ng mga tinamong tama ng punglo mula sa .9mm na baril at nakuha rin ng mga imbestigador ng WPD homicide section ang apat na basyo ng bala ng .9mm sa lugar na pinangyarihan ng krimen. (Ulat ni Ellen Fernando)