^

Metro

Drug pusher todas sa pulis

-
Nabaril at napatay ng isang pulis ang isang hinihinalang drug pusher matapos umanong tangkain ng huli na agawin ang baril ng una matapos ang isinagawang drug-bust operation sa Makati City, kamakalawa ng gabi.

Namatay noon din ang suspect na nakilala lamang sa pangalang James, sanhi ng isang tama ng bala ng baril sa dibdib.

Agad namang sumuko ang nakabaril na pulis na si SPO1 Rogelio Castrillo ng Makati City Police-Intelligence Division.

Naganap ang insidente dakong alas-11 ng gabi sa panulukan ng Pascual at Reyes St. sa Brgy. Kasilawan ng lungsod na ito.

Ayon kay Castrillo, dinakip nila ang suspect na si James matapos ang isinagawang buy-bust operation sa bahay nito sa Pascual St.

Bago dalhin sa Makati City Police Headquarters dinala umano ni Castrillo ang suspect sa tanggapan ng barangay chairman, subalit habang sila ay naglalakad ay tinangka ng suspect na agawin ang baril ng pulis.

Pinigilan naman ito ng pulis at habang nag-aagawan ay biglang pumutok ang baril at tinamaan ang suspect.

Mabilis na isinugod ni Castrillo sa Makati Medical Center ang suspect subalit hindi na ito umabot pang buhay. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

vuukle comment

AYON

CASTRILLO

LORDETH BONILLA

MAKATI CITY

MAKATI CITY POLICE HEADQUARTERS

MAKATI CITY POLICE-INTELLIGENCE DIVISION

MAKATI MEDICAL CENTER

PASCUAL ST.

REYES ST.

ROGELIO CASTRILLO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with