^

Metro

10 anyos nahulihan ng 1/4 kilo ng shabu

-
Dinakip ng pulisya ang isang 10-anyos na batang lalaki makaraang mahulihan ito ng may 1/4 kilo ng shabu habang papasakay sa MRT Station sa Rotonda, Pasay City, kamakalawa ng hapon.

Kinilala ni Senior Inspector Samuel Turla, commander ng Police Community Precint 6 ang suspect na si Jefferson, nakatira sa Brgy. Nangka, Marikina City.

Ayon sa pulisya, papasakay na ng MRT sa Rotonda sa may EDSA ang bata kasama ang isang alyas Jojo dakong alas-3:45 ng hapon nang mapansin ng guwardiya na si Felix Aquino dahil sa kahina-hinalang kilos ng mga ito.

Sinita ng guwardiya ang dalawa at nang kapkapan ni Aquino ang bata ay napansin na may matigas na bagay sa kaliwang binti nito.

Itinaas ng guwardiya ang pantalon ng bata at nagulat na lamang ang guwardiya nang makita na naka-plaster sa hita nito ang isang plastic na naglalaman ng may 1/4 kilo ng shabu.

Mabilis na tumakbo pababa ng MRT ang kasama ng bata na si Jojo at naiwan sa kustodya ng guwardiya si Jefferson.

Nang dalhin sa himpilan ng pulisya ang bata, sinabi nito na hindi sa kanya ang shabu at inilagay lamang sa kanyang hita ng kasama niyang si Jojo.

Nabatid na nakatakda nilang dalhin ang epektos sa Cubao.

Nakatakdang dalhin si Jefferson sa pangangalaga ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) dahil sa pagiging menor-de-edad nito.

Pinaghahanap naman ng pulisya ang kasamahan nitong si Jojo. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

AQUINO

AYON

DEPARTMENT OF SOCIAL WELFARE AND DEVELOPMENT

FELIX AQUINO

JOJO

LORDETH BONILLA

MARIKINA CITY

PASAY CITY

POLICE COMMUNITY PRECINT

SENIOR INSPECTOR SAMUEL TURLA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with