Sa isang pag-aaral na pinamunuan ni Prof. Eric Torres, chairperson ng Philippine Human Rights Information Center na inatasan ng UNESCO, na marami nang kaso nang pagkakasakit ng mga guro sa bansa partikular na sa respiratory system ay buhat sa paglanghap ng mga kemikal na sangkap ng chalk partikular na iyong mahihina ang kalusugan.
Inirekomenda nito ang paggamit sa mga paaralan ng mas mahal ngunit ligtas na non-toxic na mga chalk at iba pang environment friendly na mga gamit sa pagtuturo.
Isa lamang ito sa rekomendasyon ng PHRIC sa kanilang pag-aaral na kanilang isusulong sa Department of Education (DepED). (Ulat ni Danilo Garcia)