^

Metro

Chalk sanhi ng hika at TB ng mga guro

-
Inirekomenda ng United Nations Scientific and Cultural Organization (UNESCO) ang pagbabawal sa paggamit ng mga toxic chalk sa lahat ng paaralan matapos na mabatid sa isang pag-aaral na ito ang pangunahing sanhi ng mga sakit na tubercolosis at hika sa mga guro.

Sa isang pag-aaral na pinamunuan ni Prof. Eric Torres, chairperson ng Philippine Human Rights Information Center na inatasan ng UNESCO, na marami nang kaso nang pagkakasakit ng mga guro sa bansa partikular na sa respiratory system ay buhat sa paglanghap ng mga kemikal na sangkap ng chalk partikular na iyong mahihina ang kalusugan.

Inirekomenda nito ang paggamit sa mga paaralan ng mas mahal ngunit ligtas na non-toxic na mga chalk at iba pang environment friendly na mga gamit sa pagtuturo.

Isa lamang ito sa rekomendasyon ng PHRIC sa kanilang pag-aaral na kanilang isusulong sa Department of Education (DepED). (Ulat ni Danilo Garcia)

vuukle comment

AARAL

DANILO GARCIA

DEPARTMENT OF EDUCATION

ERIC TORRES

INIREKOMENDA

ISA

ULAT

UNITED NATIONS SCIENTIFIC AND CULTURAL ORGANIZATION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with