C-5 anim na oras hindi madaanan dahil sa demolition
November 23, 2001 | 12:00am
Tumagal ng halos anim na oras ang pagsisikip ng trapiko sa kahabaan ng C-5 Road matapos na harangin ng mga residente ng Palar Village ang mahigit sa 60 mga sasakyan upang ipakita ang kanilang pagtutol sa ginagawang demolisyon sa kanilang mga bahay sa Taguig.
Ayon kay Senior Supt. Jose Gutierrez, Southern Police District Director, alas-5 pa lamang ng umaga nang harangin ng mga kalalakihang residente ng Palar Village ang mga behikulo sa Southbound ng C-5 Road.
Karamihan sa mga humarang ay armado ng mga mahahabang kalibre ng baril. Karamihan sa residente dito at miyembro ng pulisya at militar.
Armado ng mga baril, tinutukan ng mga residente ang mga motorista at inagaw umano ang mga susi ng kanilang mga sasakyan. Inutusan din ng mga ito ang mga driver na iharang sa gitna ng daan ang kanilang mga truck na naging dahilan ng matinding trapiko.
Ayon kay Taguig Mayor Sigredo Tinga, sinadya umano ng mga residente ng Palar Village ang ginawang pagharang sa mga sasakyan upang pigilan naman ang paglapit ng demolition team sa idedemolis na lugar.
Magugunitang noong Martes, nagkaroon ng matinding engkuwentro sa pagitan ng mga lumabang residente at demolition team ng DPWH.
Hiniling naman ni Tinga na maging payapa ang magkabilang panig para maiwasan ang pagkakasakitan sa isat-isa. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest